Bureau of Immigration, naka-heightened alert na sa lahat ng paliparan at pantalan sa bansa

Manila, Philippines – Naka-heightened alert na ang Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng paliparan at pantalan sa bansa.

Ito’y para sa paggunita ng Undas at sa gagawing Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Nobyembre.

Ayon kay BI acting Spokesperson Grifton Medina, itasan na nila ang lahat ng immigration officers sa mga pantalan at paliparan na higpitan ang pagmamanman para mapigilan ang alinmang pagtatangka ng mga terorista at mga illegal alien na makapasok sa bansa.


Aniya, ipapatupad ang secondary inspection para sa mga dayuhang kwestyunable dokumento.

Kahit ang mga Filipino aniyang papaalis ng bansa ay dadaan rin sa masusing screening para matiyak na hindi sila mabibiktima ng human trafficking at illegal recruitment.

Facebook Comments