Bureau of Immigration, nakaabang sa ipapalabas na bagong resolusyon ng IATF sa travel ban

119

Nakaantabay na ang Bureau of Immigration sa ipapalabas na resolusyon ng Inter Agency Task Force (IATF) hinggil sa travel ban sa harap ng banta ng Omicron COVID-19 variant.

Hanggang sa Miyerkules, December 15 lang kasi ang umiiral na travel ban ng IATF.

Kabilang sa huling napasama sa travel ban o red list ng Pilipinas ang Portugal, bukod sa South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, Mozambique, Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, Switzerland, Belgium, Italy at France.


Kinumpirma naman ng BI na hanggang sa ngayon ay wala pa naman silang nai-exclude na pasahero mula sa mga bansang nasa red list.

Facebook Comments