Tiniyak ng Bureau of Immigration sa na may sapat silang tauhan sa mga immigration counters sa NAIA kasunod ng inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong na-divert mula sa Clark International Airport matapos mapinsala ng malakas na lindol kahapon.
Pansamantala ring pinagbawalan ng Bureau of Immigration ang kanilang mga tauhan na mag-leave o magbakasyon.
Mas kailangan kasi ngayon ang serbisyo ng kanilang mga primary line officers sa airport para ma-accomodate ang volume ng mga pasahero.
Umaasa ang BI na maibabalik din sa normal ang kanilang operasyon lalo nat malapit nang matapos ang repair sa Clark International Airport.
Facebook Comments