Nakahanda na ang Bureau of Immigration (BI) dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sakaling payagan nang pumasok ang mga foreign tourist sa Pilipinas.
Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, kasado na ang mga ipapatupad na limitasyon kung saan pagbabawalan nang mag-vacation leave ang mga empleyado.
Habang dadagdagan rin ang mga immigration officers na magsisilbing mga frontliners na aalalay sa mga darating na pasahero.
Sa ngayon, dumoble na ang bilang ng mga biyahe papunta sa Boracay, Camiguin at Caticlan.
Habang tumaas na rin ang domestic at international flights ng Philippine Airlines na sa ngayon ay umaabot na sa 120 flight kada araw.
Tinatayang nasa 75% ng personnel ng immigration ang nabakunahan na kung saan karamihan ay nasa frontline at seaports.