Nakikipag-ugnayan na ang Bureau of Immigration (BI) sa Chinese Embassy sa Pilipinas para mapabilis ang pag-deport sa Chinese illegal POGO workers sa bansa.
Ito ay matapos aminin ni Justice Sec. Crispin Remulla na mabusisi ang deportation process sa mga nadakip na illegal POGO workers.
Kinakailangan muna aniya kasing iverify ang records ng mga ito sa China para hindi sila mapabalik ng Pilipinas.
Sa ngayon, kinansela na ng BI ang visa ng 1,424 ng mga dayuhang nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators.
Ito ay matapos na ikansela na rin ng PAGCOR ang lisensya ng POGO companies.
48,000 ang mga empleyado ng naturang POGO companies.
Facebook Comments