Bureau of Immigration, pinapa-imbestigahan kaugnay sa pagdami ng Chinese students sa bansa

Labis na nakakaalarma para kay Manila 6th District Representative Bienvenido “Benny” Abante Jr., ang pagdami ng mga estudyanteng Chinese nationals na piniling mag-aral sa mga unibersidad na malapit sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa bansa.

Bunsod nito, isinulong ni Abante na maimbestigahan ng House of Representatives ang Bureau of Immigration (BI).

Naniniwala si Abante na ang korapsyon sa BI ang dahilan kaya iligal na nakakapamalagi at nakakapag-aral sa bansa ang libu-libong Chinese nationals.


Giit ni Abante, hindi lang nito nilalagay sa panganib ang ating educational system at mga institusyon kundi lalo na ang ating pambansang seguridad.

Diin pa ni Abante, isang malaking batik din ito sa katapatan at integridad ng ating government service lalo na sa Bureau of Immigration.

Facebook Comments