Bureau of Immigration, tiniyak na gagawan ng paraan ang problema sa mahabang pila sa Immigration counters sa NAIA

95

Manila, Philippines – Tiniyak ng Bureau of Immigration na magduduty pa rin ang immigration officers at ang iba pang personnel na nakatalaga sa main office at sa mga sub-port offices at paliparan ngayon Semana Santa.

Kinumpirma ito ni Immigration Spokesperson Atty.Tonete Mangrobang sa harap ng paghaba ng pila ng mga pasahero sa immigration counters sa naia terminals dahil sa pag-leave ng immigration officers.

Nag-ugat ang mass leave ng immigration officers sa hindi pagbabayad sa kanilang overtime pay.

Ilan din sa immigration officers sa NAIA ang nag-resign na dahil sa naturang usapin.

Dumistansya naman ang pamunuan ng Manila International Airport Authority sa isyu ng mass leave ng immigration officers sa NAIA.

Facebook Comments