Bureau of Immigration, tiniyak na hindi mapaparalisa ang kanilang operasyon sa NAIA sa harap ng ECQ

Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na hindi mapaparalisa ang kanilang operasyon sa NAIA terminals sa kabila ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Ayon sa BI, may sapat silang tauhan na magseserbisyo sa mga pasahero sa NAIA.

Kasabay nito, tiniyak ng immigration ang kanilang pinaiiral na heightened alert para matiyak na maipapatupad ang travel restrictions.


Kabilang sa mahigpit na binabantayan ng BI ang mga pasaherong pinagbabawal muna pumasok ng Pilipinas mula sa 10 mga bansang may mataas na kaso ng COVID-19 Delta variant.

Partikular ang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Indonesia, Malaysia at Thailand.

Facebook Comments