Bureau of Plant Industry, itinangging tinambakan ng puslit na sibuyas ang Cagayan de Oro City

Wala umanong nangyayaring pagbaha sa Cagayan de Oro City ng mga sibuyas na ipinuslit mula sa Holland.

Naging dahilan kasi ito ng sobrang pagkalugi ng mga local farmers dahil napipilitan silang ibagsak din ang farmgate price ng sibuyas.

Giit ng Bureau of Plant Industry (BPI), ang napakaraming suplay ng sibuyas sa CDO ay nanggaling sa Luzon.


Batay sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA) sa mga pamilihan sa Cagayan de Oro City, lumilitaw na ang wholesale prices ng pulang sibuyas, lokal man o imported ay naglalaro sa pagitan ng ₱50 at ₱65 kada kilo .

Habang, ang imported white onion ay nasa ₱65 hanggang ₱70 per kilo.

Ang retail price per kilo ng local red onion ay naglalaro sa pagitan ng ₱90 at ₱170.

Habang, ang imported red onion ay nasa ₱100 at ang imported white onion ay nasa ₱90 at ₱180 per kilo.

Ang farmgate price ng sibuyas sa Luzon na pangunahing pinagkukunan ay naglalaro mula ₱35-55 noong January 2024.

Facebook Comments