Bureau of Plant Industry, pinabibigyan ng pisong budget para sa 2024 ng isang kongresista

Iginiit ni Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo na piso lamang ang dapat maging budget ng Bureau of Plant Industry (BPI) sa susunod na taon.

Inihayag ito ni Tulfo sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food ukol sa hoarding at pagmanipula sa presyo ng sibuyas.

Katwiran ni Tulfo, hindi karapat dapat magkaroon ng sapat na pondo ang BPI dahil hindi naman nito nagagampanan ang mandato kaya nakalusot ang hoarding at price manipulation sa sibuyas.


Ayon kay Tulfo, kung ginagawa lang ng BPI ang trabaho nito ay hindi na kakailanganin ng Kamara na imbestigahan ang pagsirit sa presyo ng sibuyas at ang paglilibot sa mga warehouse sa pangunguna ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Facebook Comments