Bureau of Plant Industry, sumusuporta na rin sa mga community pantries

Sumusuporta na rin ang Bureau of Plant and Industry (BPI) sa mga nagsusulputang community pantries.

Sa virtual presser ng Department of Agriculture (DA), sinabi ni BPI Assistant Director Glenn Panganiban na mga vegetable seedlings ang kanilang naipangakong ibigay sa mga organizers ng mga community pantries.

Ani Panganiban, mas makabubuti kung mga punla o binhing gulay ang kanilang ipapamahagi sa mga community pantries dahil makatutulong ito sa mga gustong mag-urban gardening.


Aniya, sa pamamagitan nito, magiging masigla ang mga community gardens.

Mga short-term crops tulad ng mga leafy vegetables aniya ang maaari nilang ipamigay para makapagsimula nang makapagtanim ang mga tao.

Karamihan sa mga organizers na humihingi ng vegetable seedlings ay nagmumula sa lungsod ng Maynila.

Marami na aniya silang natanggap na mga request na karamihan ay pinadaan sa mga email at website.

Facebook Comments