Bureau of Quarantine, mahigpit ang pag-monitor sa mga dumadating na pasahero sa NAIA

Mahigpit na mino-monitor ng Bureau of Quarantine ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na dumadating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kabilang sa masusing sumailalim sa screening ang mga dumating na halos 300 OFWs kanina mula Doha, Qatar.

Sila ay isa-isang pinaaalis ng Bureau of Quarantine personnel ng suot na face shield habang sila’y naglalakad sa hallway kung saan nakalagay ang thermal scanner upang ma-monitor kung meron sa kanilang nagtataglay ng sintomas ng sipon at lagnat.


Ito ay sa harap ng patuloy na banta ng Delta variant ng COVID-19.

Kabilang sa mga dumating ay land-based at sea-based OFWs na karamihan ay nakatapos na ng kanilang kontrata sa abroad.

Ang returning OFWs ay inalalayan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa loob ng NAIA bago sila dinala sa quarantine hotels.

Facebook Comments