Tiniyak ng pamahalaan na mahigpit nilang binabantayan ang mga pasaherong papasok sa Pilipinas mula sa South Africa at iba pang bansang nakapagtala na ng B.1.1.529 variant ng COVID-19 o mas kilala bilang Omicron variant.
Ayon kay Bureau of Quarantine Deputy Director Dr. Roberto Salvador Jr., inatasan na sila kasama ng Department of the Interior and Local Government para tukuyin ang mga pasaherong posibleng galing sa mga apektadong bansa.
Sa ngayon ay wala pa naman aniyang namo-monitor na Pilipinong umuwi mual sa mga bansang may kaso na ng Omicron.
Samantala, sinabi ni Salvador na pinaniniwalaang nasa 500 beses na mas nakakahawa ang omicron variant kumpara sa Delta variant ng COVID-19.
Unang natukoy ang Omicron sa South Africa at idineklara na ng World Health Organization bilang variant of concern.