Naka-heightened alert na ang Bureau of Quarantine sa mga palipatan at pantalan sa bansa dahil sa banta ng 2019 novelcorona virus o n-CoV.
Mahigpit na binabantayan ang sinumang pumapasok sa bansa lalo na ang mga galing sa China kung saan nagmula ang sakit.
Bahagi ng pagmamatyag ang mga thermal scanner na ipinuwesto sa arrival area ng NAIA.
Ayon kay NAIA-Quarantine Medical Officer Dr. Lotis de Guzman – kapag lumabas sa scanner na umabot sa 36.5°c ang temperatura ng isang pasahero ay isasailalim muli ang mga ito sa handheld scanner para makumpirma na siya ay may lagnat saka isasailalim sa physical examination at tatanungin ang travel history.
Sa ngayon, wala pang naitatala silang mga pasahero mula China na nasa ilalim ng quarantine mula nang pumutok ang isyu ng n-CoV noong December 31.
Pero hindi pa rin dapat magpakampante dahil ang virus ay mayroong incubation period ng dalawa hanggang 14 na araw.