Bureau of Quarantine, nakaalerto matapos ang naitalang Pneumonic Plague sa China

130

Naka-alerto ang Bureau of Quarantine kasunod ng naitalang Pneumonic Plague sa China.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, agad niyang inatasan ang Surveillance Quarantine na paigtingin ang pagbabantay sa mga pantalan at paliparan simula nang mapaulat ang kaso ng Plague.


Ipinasuri na rin kung gumagana ng maayos ang Thermal Scans.

Ang mga papasok ng bansa na may lagnat, lalo na ang mga galing sa ilang bahagi ng china ay kailangang dumaan sa assessment.

Nabatid na umabot na sa tatlong kaso ang nagpositibo sa Plague na pwedeng maipasa sa pamamagitan lang ng pag-ubo o pagbahing.

Facebook Comments

From Advertisers