Bureau of Treasury, tiniyak na hindi magagamit ang public funds sa Maharlika Investment Fund

Tiniyak ng Bureau of Treasury (BTr) na hindi magagamit ang pondo ng publiko sa Maharlika Investment Fund (MIF).

Ginawa ang pahayag ni National Treasurer Rosalia de Leon, sa gitna ng agam-agam ng ilang mga grupo sa posibilidad na paggamit ng public funds na inilaan para sa social services ng pamahalaan.

Ayon kay De Leon na may inilaang ₱50 billion na pondo mula sa national government na ilalagak sa MIF na hindi na kailangang magmula sa pension fund at pondo ng publiko.


Paliwanag pa ni De Leon na masusi ang magiging pag-aaral kung saan ilalagak ang pondo ng MIF.

Iginiit ni De Leon na walang dapat o dahilan para matakot ang publiko sa MIF dahil maraming oversight at safeguard na inilaan ang batas upang mahigpit na ma-monitor ito.

Naipasa na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong bumuo ng MIF.

Facebook Comments