Burgos, Surigao Del Norte, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

36

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang bayan ng Burgos sa Surigao Del Norte, dakong alas-8:51 kaninang umaga.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang sentro ng pagyanig sa karagatan sa 49 kilometers ng East Burgos.


May lalim ito na 20 kilometers at tectonic ang pinagmulan.

Naitala naman ang Instrumental Intensity I sa Surigao City, Surigao Del Norte.

Wala namang nasugatan, nasaktan at nasirang mga ari-arian dahil ng pagyanig.

Hindi rin naglabas ng tsunami alert ang PHIVOLCS at wala ring inaasahang mga aftershock kasunod ng lindol.



Facebook Comments