Manila, Philippines – Nanawagan si PBA PL Rep. Jericho Nograles na huwag palagpasin ng DOTr sa pananagutan ang Busan Universal Rail Inc. o BURI partikular na sa mga pinalitang orihinal na parte ng tren.
Giit ni Nograles, kahit tuluyan ng sinuspinde ang kontrata ng BURI sa MRT ay malaking kwestyon pa rin ang hindi pa nareresolbang problema sa mga pinalitan na orihinal na Vehicle Logic Unit o VLU sa mga bagon ng MRT 3.
Dapat aniyang malaman kung sino ang nagpalit ng mga VLUs at kung nasaan na ang mga orihinal na parte nito.
Naniniwala ang kongesista na isa ito sa dahilan nang madalas na aberya sa operasyon ng tren.
Aniya pa, kailangang habulin at papanagutin ang BURI dahil hindi nito natupad nang maayos ang 3.8 Billion contract nito sa DOTr.
Facebook Comments