BURI WEAVING BILANG PANGKABUHAYAN SA LINGAYEN, ALAMIN

Buhay na buhay pa rin ang tradisyon ng buri weaving sa Lingayen, isang sining ng paghahabi na nagsisilbing pangunahing kabuhayan ng ilang pamilya sa lugar.

Nagsimula ito noong taong 2000 nang matutunan ni Seth Fernandez ang teknik mula sa isang kaibigan sa Maynila. Mula noon, lumaganap ito sa komunidad at sa ngayon, apat na pamilya sa Barangay Rosario at isa mula sa karatig-barangay ang aktibong gumagawa ng buri blinds.

Ang produktong ito ay gawa sa dahon ng buri, isang uri ng palm na likas sa Pilipinas. Kilala ang materyales na ito sa pagiging eco-friendly, praktikal, at aesthetically pleasing. Bukod sa pagiging panakip-bintana, nagsisilbi rin itong simbolo ng pagpapahalaga sa kalikasan at kulturang Pilipino.

Malaki ang ambag ng buri weaving sa kabuhayan ng mga pamilya at sa pagpapanatili ng lokal na sining sa lugar dahil patunay lamang ito na may potensyal ang likas na yaman at gawang-kamay kung susuportahan ng bawat isa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments