Burnham Park: Skating Rink, Bukas na para sa Bidding!

Baguio, Philippines – Binuksan na nga para sa bidding ang Burnham Park Skating Rink ngayong Pebrero para sa darating na Panagbenga Festival. 

Ayon kay Baguio Flower Festival Executive Committee Chairman Elmer Datuin ay napagkasunduan ng mga organizers na maaring magamit ang Skating Rink kung saan ito ay mayroong 320 na stalls. 

Matatandaang noong nakaraang taon ay umabot sa labing isang milyong piso ang kinita ng City Government sa bidding ng skating rink kaya naman ngayong taon ay umaasa si Datuin na malalagpasan ito ngayong taon. 


iDOL, baka gusto mong kumuha ng pwesto?

Facebook Comments