“Burnout syndrome” hindi itinuturing na medical condition

Nilinaw ng World Health Organization (WHO) na hindi medical condition ang “burnout syndrome.”

Ayon kay WHO-Philippines National Professional Officer for Mental Health and Substance Abuse, Dr. Jasmine Vergara – bagamat kabilang pa rin ang burnout sa catalog ng diseases at injuries, binago na ang depinisyon nito.

Ang burnout ay isang occupational phenomenon na resulta ng matinding stress sa trabaho.


Bukod sa labis na pagkapagod, ang pagiging negatibo sa trabaho at hindi pagiging epektibo sa pagganap nito ay ilan din sa senyales ng burnout.

Nasa proseso pa lamang sila ng paggawa ng polisiya at guidelines para masigurong maging malinaw ang pagkakaiba ng burnout at iba pang mental disorder.

Para kay ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay – dapat kilalanin ng Department of Labor and Employment (DOLE) bilang isang medical condition.

Matatandaang nagkamali ang WHO nang i-anunsyo itong kasama ang burnout sa international classification of diseases.

Facebook Comments