Wednesday, February 11, 2026

BUROL NG NAMAYAPANG FORMER FIVE TIME SPEAKER JOSE DE VENECIA JR. ITINAKDA NA

Nakatakda na ang iskedyul ng burol at mga isasagawang memorial services para sa yumaong dating House Speaker Jose De Venecia Jr.

Magsisimula ang burol mula February 11 hanggang 13, araw ng Miyerkules hanggang Biyernes, mula ala-una ng hapon hanggang alas-diyes ng gabi sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.

May isasagawang banal na misa gabi-gabi alas-siyete sa Chapels 9 at 10.

Sa February 14 at 15, Sabado at Linggo, ililipat ang mga serbisyo sa Simbahan na Bato o Annunciation of the Lord Parish sa Bonuan Gueset, Dagupan City.

Sa February 16, Lunes, magkakaroon ng memorial at necrological service sa House of Representatives sa Batasang Pambansa mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-dos trenta ng hapon.

Pagkatapos nito ay ibabalik muli ang lamay sa Heritage Memorial Park sa Taguig.

Sa February 17, Martes, tuloy ang wake mula ala-una ng hapon hanggang alas-diyes ng gabi, na may banal na misa alas-siyete ng gabi.

Nakatakda naman sa February 18 ang huling misa at interment, at inaasahang iaanunsyo pa ang kumpletong detalye.

Pinapayuhan ang publiko at mga nais makiramay na sundan ang mga opisyal na anunsyo ng pamilya para sa karagdagang update.

Si Former Speaker Jose De Venecia Jr. ay pumanaw, kahapon, February 10, 2026 sa edad na 89. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments