Burol ng Pinoy na napatay sa Hamas attack, dinalaw ng ilang opisyal ng pamahalaan

Dinalaw ng mga opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW) ang burol ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Paul Vincent Castelvi sa San Fernando, Pampanga.

Kabilang sa humarap sa pamilya ng OFW si Department of Migrant Workers Officer-in-Charge (DMW-OIC) Hans Leo J. Cacdac.

Inilipat na rin kanina ang urn ni Castelvi sa Cabanatuan City.


December 23 nang dumating sa bansa ang cremains ng naturang OFW.

Kasamang dumating sa bansa ang maybahay ni Castelvi na si Jovelle at ang kanilang anak na sanggol na lalaki.

Facebook Comments