Burol ng pulis na namatay sa pananambang ng NPA sa bukidnon bibisitahin ni Gamboa

Dadalaw si PNP Chief General Archie Francisco Gamboa sa burol ng pulis na namatay sa pananambang ng New Peoples Army (NPA) sa Barangay Tikalaan, Talakag Bukidnon kahapon.

Ayon kay PNP Spokespesperson Brigadier General Bernard Banac nakatakda bukas ang kanyang pagdalaw sa burol ng namatay na si Police Corporal Roel Sumaylo.

Si Sumaylo ay miyembro ng 1st Bukidnon Mobile Force Company na sakay ng isang Van na nagbibigay ng seguridad kay Police Brigadier General Joselito Salido ang Deputy Director ng DIPO Eastern Mindanao Command nang tambangan ng mga NPA sa may km 26 road sa Barangay Tikalaan Dominorog Talakag Bukidnon.


Bukod kay Sumaylo sugatan rin ang tatlo pang pulis na sina Police Captain Ramil Gighie, Police Staff Master Seargent Giovanni Malinab at Police Corporal Jerwin Genilla.

Tiniyak ng PNP na makakatangap ng financial assistance ang pamilya ng nasawing pulis at mga pamilya ng mga sugatang pulis.

Facebook Comments