Burol ni Jaclyn Jose, nagsimula na kagabi sa Arlington Memorial Chapel sa QC

Inihayag ng duty officer ng Arlington Memorial Chapel na kagabi ay nagsimula na ang burol ng batikan at award-winning actress na si Jaclyn Jose sa Arlington Memorial Chapel sa G. Araneta Avenue sa Quezon City.

Kapansin-pansin na off limits muna sa media ang burol sa Arlington Memorial Chapel.

Pero mayroon namang inilagay na media room malapit lamang sa lobby ng Arlington Memorial Chapel.


Pagpasok dito sa main entrance ay ilang mga bulaklak ang nakahilera dito na mayroong mga pagpapahayag ng pakikiramay sa namayapang beteranang actress.

Kabilang sa mga bulaklak na ito ay mula kay Laarni Enriquez, kay Ivana Alawi at dreamscape production.

Naniniwala ang pamilya ng batikang aktres na si Jaclyn Jose o Mary Jane Santa Ana Guck sa tunay na buhay na walang foul play sa pagpanaw nito.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo sa isinagawang press conference sa Kampo Krame.

Ayon kay Fajardo, humiling na rin ang pamilya ng namayapang batikang aktres ng privacy at huwag nang pag-usapan pa ang detalye ng pagkamatay ng actress.

Facebook Comments