Burol, pinahihintulutan na sa Mandaluyong City

Pinapayagan na ng Mandaluyong City Government ang pagburol para sa mga namamatay na walang kinalaman sa coronavirus o COVID-19.

Sa ilaim ng Executive Order No. 35, series of 2020, inatasan ni Mayor Carmelita “Menchie” Abalos na pahintulutan na ang Tradisyon ng mga Pilipino na “burol” para sa mga nasawi ng walang kinalaman sa COVID-19 basta’t mayroon lamang na health and safety measures na ipi-presenta.

Ayon kay Mayor Abalos, mahalaga na maibsan ang kalungkutan ng mga naulila sa pamamagitan ng pagdalaw sa mga burol ng kanilang mga yumao upang maipahayag ang kanilang mga saloobin at mapawi ang nararanasang kalungkutan.


Paliwanag ng alkalde, mahalaga na tratuhin ang mga pamilyang namatayan ng may pakikiramay, respeto, at dignidad upang mapawi ang kanilang nararanasang matinding kapighatian.

Giit ni Mayor Abalos sa mga napag-alamang nasawi dahil sa positibo sa COVID-19, awtomatikong ililibing o icre-cremate sa loob ng 12 oras pagkamatay ng positibo sa nakamamatay na virus.

Aarestuhin at ikukulong ang sinumang lumabag sa naturang batas sa ilalim ng
Section 9 of Republic Act 11332, na nagpaparusa sa mga tao o kompanyang hindi nakikipag-tulungan na apektado ng naturang kalusugan o paglabag sa Article 151 of the Revised Penal Code o Resistance and Disobedience to a Person in Authority.

Facebook Comments