Tuesday, March 10, 2026

BUS AT SUV, NAGBANGGAAN SA BINALONAN

Nagkaroon ng aksidente na kinasangkutan ng isang trak at SUV sa kahabaan ng national highway sa Barangay Poblacion, Binalonan, Pangasinan bandang 7:20 ng umaga kahapon, Marso 8, 2026.

Ayon sa ulat, kapwa patungong hilaga ang direksyon ng dalawang sasakyan, kung saan nauuna ang bus at nasa likuran naman ang SUV. Pagsapit sa lugar ng insidente, biglang bumagal ang bus dahilan upang aksidenteng mabangga ito mula sa likuran ng SUV.

Dahil sa banggaan, kapwa nagtamo ng pinsala ang dalawang sasakyan, na kasalukuyang hindi pa natutukoy ang kabuuang halaga ng magiging gastos sa pagkukumpuni. Wala namang nasaktan sa dalawang driver, ngunit dinala pa rin sila sa ospital para sa kaukulang pagsusuri.

Samantala, ang mga sangkot na sasakyan ay dinala sa Binalonan Municipal Police Station (MPS) para sa wastong disposisyon at karagdagang imbestigasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments