Bus augmentation, dinoble ng LTO kasunod ng perwisyong idinulot sa mga pasahero ng MRT-3 maintenance shutdown kahapon

Aabot na sa 300 bus ang ipinakalat ngayon ng land transportation franchising and regulatory board upang umalalay sa mga pasahero kasunod ng maintenance hutdown ng MRT-3 ngayong Holy Week.

Kahapon ay inulan ng reklamo ang tanggapan mula sa mga naperwisyong pasahero dahil sa 140 lang ang bus augmentation na ideneploy sa Edsa.

Ang mga bus ay magsasakay at magbababa ng mga pasahero sa mga istasyon ng MRT-3 sa North Avenue hanggang Taft Avenue mula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng gabi mula April 15 hanggang 17 at April 20 hanggang 21.


Bukod rito, sa interview ng RMN kay MMDA Traffic Head Bong Nebrija, nakaalalay na rin sila sa mga pasahero.

Una rito ay hinimok ni Transportation Sec. Arthur Tugade ang mga bus operators na tumulong sa bus augmentation program ng ahensya dahil nasa 320,000 hanggang 350,000 ang mga pasahero ng MRT-3 araw araw.

Facebook Comments