BUS CLEANER SA BAYAN NG SAN FABIAN, NATAGPUANG PATAY

Isa ng malamig na bangkay ng matagpuan ang isang kwarentay uno anyos na Bus Cleaner sa bayan ng San Fabian.
Ang biktima ay nakilalang si Jaime Bernal residente ng Dagupan City.
Lumalabas sa imbestigasyon na gigisingin sana ng mga kasamahan nito ang biktima para linisin nito ang bagong dating na bus pasado alas tres ng madaling araw sa Brgy. Tempra Guilig subalit hindi ito kumikibo.

Ayon sa mga kasamahan nito, nakita pa itong naglinis ng mga bus ng Gabi sa kasagsagan ng malakas na ulan bago natulog.
Sinubukan pang isugod sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang Dead on Arrival. |ifmnews
Facebook Comments