BUS COMPANIES SA PANGASINAN, BIGO PANG MAKABIYAHE PATUNGONG NCR DAHIL SA PATULOY NA QUARANTINE RESTRICTIONS; APELA, PATULOY NA DINIDINIG SA KORTE

Bukas pa umano hanggang sa ngayon ang public transport sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa hindi naman umano apektado dahil ang quarantine restrictions ay nananatili sa Modified General Community Quarantine at sa ngayon ay wala pang pagbabago.

Sa isang pahayag, sinabi ni Regional Director Nasrudin Talipasan, ng LTFRB Region 1 na ang Provincial Buses papunta sa Metro Manila vice versa ay patuloy paring iniinda ng mga bus companies at mga pasahero.

Bagama’t binuksan ng Provincial Government ng Pangasinan at Dagupan City ang border para sa mga galing sa NCR ay may mga alituntunin umano na ipinalabas ang DOTr at LTFRB na kung saan bus na manggagaling sa Norte ay magkakaroon ng common terminal sa NLET.


Ayon kay Talipasan, nakausap na nito ang operations manager ng mga bus companies at hindi din umano sila makatuloy sa kanilang terminal sa bahagi ng NCR dahil sa restricted pa ito at ngayon ay hinihintay ng mga bus companies ang apela nila na patuloy naman ding dinidinig sa korte ukol sa hiling na huwag munang ipatupad ang alituntunin na hindi makapasok sa kanilang common terminal partikular sa NCR.

Habang hinihintay nila ang desisyon ng korte ay hindi muna sila makabiyahe kaya’t hanggang sa ngayon ay tanging cargo bus ang umiiral.

Nilinaw nito na ang biyahe sa loob lamang ng Pangasinan ay kanilang pinapayagan habang sinusunod ng mga ito ang health protocols.

Facebook Comments