Ipinahinto na ng Green Frog Hybrid Bus Company ang honesty payment system sa bansa.
Sa ilalim ng sistema, walang kundoktor ang maniningil sa mga pasahero at sa halip ay ihuhulog ng mga ito ang kanyang bayad sa drop box malapit sa driver.
Sa anunsyo ng bus company – ibabalik na nila ang conductor fare collection system.
Ikinadismaya rin nila na hindi epektibo ang honesty system dahil higit 30% ng mga pasaherong sumasakay sa kanila ang hindi nagbabayad ng kanilang pamasahe.
Ang honesty system ay ginagamit sa first world countries kung saan tinuturuan ang mga pasahero na pumila sa mga bus stops at ihanda ang eksaktong pamasahe at ihulog ito sa drop box o gumamit ng tap cards.
Ang Green Frog Bus ay bumibiyahe sa lungsod ng Pasay at Makati na may limited stops.