Bus driver na namatayan ng anak habang nasa biyahe, viral

Image via Keith Julius Embacanan on Facebook

Ibinahagi ng isang netizen ang nasaksihan niyang pagiging matatag ng isang bus driver habang nasa biyahe nitong Hulyo 22.

Ani Keith Julius Embcanan, narinig niyang usapan ng bus driver at konduktor nito na patay na pala ang anak nito.

Dagdag ni Julius, hinangaan niya ang katatagan nito na maiyak-iyak habang nagmamaneho. Ramdam din ni Julius ang kalungkutan ng bus driver at hindi niya napigilan ang kaniyang emosyon.


Nalungkot din ang mga netizen sa ibinahagi ni Julius. Ani nila, walang kapantay ang pagmamahal ng isang ama sa kaniyang anak at nagt-trabaho lamang para sa kanilang kinabukasan.

Bumuhos ang mga komento ng simpatya ng netizens sa post. Hindi naman nabanggit sa post kung saan patungo o biyahe ang kaniyang nasakyan.

Sa kasalukuyan ay mayroon itong 119,000 reactions, 17,000 comments at 35,000 shares.

Facebook Comments