Nahihirapan ka rin bang mamili kung anong sasakyan mo upang hindi ma-late sa iyong pasok tuwing dadaan ka sa EDSA? Wala namang hassle-free na biyahe pero may best way para makarating ka nang mas mabilis sa iyong paroroonan.
Tuwing umaga at hapon,pagpasok at pag-uwi galing sa trabaho o kaya eskwelahan ay problema natin ang rush hour. Mula 7:00 am hanggang 9:00 am at 5:00 pm hanggang 9:00 pm ang pinakaiiwasan nating oras ng biyahe.
Ayon sa ginawang test ng CNN, ang pinakamabilis na paraan ng pagbiyahe lalo na kapag rush hour ay ang MRT. Kumpara sa bus at private cars, ang oras na kinonsumo nang pagbiyahe mula North Avenue, Quezon City hanggang Taft Avenue, Pasay City ay 41 minutes. Samantala kapag bus ay aabutin ka ng 2 hours and 15 minutes. Kapag private cars naman ay 1 hour and 22 minutes.
Kung nagmamadali ka ay train ang pinakamabilis na way. Pero kung marami ka namang dalahin at ang biyahe mo ay hindi naman rush hour, mainam na mag taxi or Grab and Uber ka nalang. Kung wala ka namang masiyadong dalahin at hindi ka rin nagmamadali, pwedeng mag bus ka. Depende sa layo at oras ng biyahe mo ang pipiliin mong sakyan.
Makakatulong din ang mga application tulad ng Waze para malaman mo ang kalagayan ng traffic at mas madaling mga daan.
Source: CNN Philippines
Article written by Melody Ruth Lacson