Kulorum dahil bumiyahe sa labas ng kanyang ruta ang AMV Travel & Tours bus na sangkot sa madugong aksidente na ikinamatay ng tatlo katao at ikinasugat ng mahigit 70-iba pa sa Santa Catalina, Atimonan, Quezon.
Batay sa Data Base Verification ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, isang rehistradong public utility bus na may rutang J. Pangilinan-Tabaco via Sto. Domingo, balangibang albay ang amv bus.
Ayon kay Charlene Aban ng LTFRB communications office, ang lugar kung saan nagsalpukan amg bus at 10-wheeler truck ay labas sa rutang ibinigay sa AMV travel & tours.
Wala rin aniyang ibinibigay na special permit sa AMV para dito.
Batay sa nakasaad sa joint administrative order na inilabas mg Dotr kulorum na matatawag ang isang bus na may prangkisa pero bumibiyahe sa lugar na hindi saklaw ng kanyang CPC o Cert of Public Conveniece.
Human error’ ang ‘initial report’ na nakarating sa LTO at LTFRB kung bakit nangyari ang madugong aksidente sa atimonan Quezon noong Lunes ng ng hapon.