Bus – nagliyab sa SLEX sa Alabang, Muntinlupa

Manila, Philippines – Maswerteng walang nasugatan matapos na masunog ang isang bus sa South Luzon Expressway sa Alabang, Muntinlupa.

Ayon sa tagapagsalita ng SLEX na si Barbara Aragon, alas 10:00 kaninang umaga nang biglang magliyab ang isang bus ng Jac Liner.

Nagdulot naman ito ng pagsisikip sa daloy ng trapiko.


Inaalam pa ang sanhi ng pagliliyab ng bus.

Facebook Comments