Bus, nahulog sa tulay sa NLEX; naka-paradang sasakyan, damay

506
Photo courtesy: Ronel Migz Deraco on Facebook / James Deakin on Twitter

Isang pampasaherong bus ang nahulog sa tulay sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX), Huwebes ng umaga, Hulyo 11.

Nangyari ang aksidente sa Barangay San Felipe sa San Fernando, Pampanga, bandang alas-9 ng umaga.


Nadamay din ang isa pang sasakyan na naka-parada sa ilalim ng tulay.

Wala naman umanong malubhang nasugatan sa aksidente, na kinasangkutan ng dalawa pang truck, ayon kay Robin Ignacio, NLEX traffic and safety manager.

Tiniyak din ni Ignacio sa mga motorista ang maayos na kondisyon ng railings sa NLEX.

Aniya, base sa mga nakaraang insidente, wala namang bumigay na railings–“talagang sumampa lang po yung mga sasakyan.”

Facebook Comments

From Advertisers