
Pinagpapaliwanag ng Department of Transportation (DOTr) ang mga bus operators at mga pampublikong sasakyan na nagtaas ng pamasahe kahit walang pahintulot.
Sa ambush interview, sinabi ni DOTr Secretary Giovanni Lopez na iisyuhan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga bus operators na napaulat na nagtaas ng kanilang singil sa pasahe.
Kaugnay nito, nakiusap si Lopez sa mga bus operators at transport operators na huwag maging mapagsamantala lalo’t wala namang inaaprubahang dagdag pasahe ang LTFRB.
Sakali aniyang mapatunayan na lumabag ang ilang bus companies ay maaari silang bawian ng prangkisa o suspendihin.
Ginawa ng kalihim ang pahayag nang pangunahan kanina ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbubukas ng bagong Cavitex-C5 segment.
Ayon sa Pangulong Marcos Jr., layon nitong mapaikli ang oras ng byahe ng mga motorista lalo na ngayong marami ang bibiyahe dahil sa Holy Week.










