Tuesday, March 24, 2026

Bus operators, umaaray na rin sa taas ng krudo

Aminado ang Mega Manila Consortium Corporation (MMCC) na nahihirapan na ang kanilang operasyon dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng diesel.

Ayon kay MMCC Spokesperson Juliet De Jesus, halos dumoble na ang gastos sa krudo kaya breakeven na lamang o lugi na ang kita ng mga bus operator.

Ipinaliwanag niyang hindi lamang mga driver ang apektado dahil tuloy-tuloy ang bayarin ng kumpanya sa sahod, maintenance, garahe, at iba pang gastusin kahit kumikita man o hindi.

Mula sa dating mahigit P5,000 na kita kada unit, bumababa na lamang ito sa P1,000 hanggang P2,000, o minsan ay halos wala na.

Nagpasalamat naman sila sa fuel subsidy ng gobyerno, ngunit iginiit na kailangan ng mas pangmatagalang solusyon.

Sa ngayon, hindi sila nagbabawas ng biyahe; sa halip, nagro-rotate na lamang ng duty ang mga driver at nagbawas ng araw ng trabaho sa opisina.

Facebook Comments