Bus, sumalpok sa poste ng LRT sa Taft Avenue, Maynila isa sugatan

Sumalpok ang isang pampasaherong bus sa poste ng LRT sa bandang Taft Avenue, tapat ng Philippine Normal University (PNU).

Agad na isinugod sa Philippine General Hospital ang isa sa mga pasahero dahil sa pinsalang natamo nito.

Samantala dinala rin sa isang pagamutan sa Binondo ang lima pang pasaherong sugatan kabilang na ang driver ng nasabing bus.


Sa ngayon ay patuloy pa rin na inaalam ng pulisya ang tunay na dahilan ng nangyaring aksidente.

Facebook Comments