Bus Terminal, Tiniyak Na May Sapat Na Bus Para Sa Dadagsa Na Pasahero Para Sa Undas

9

CEBU CITY – All system go na ang paghahanda ng mga ahensya ng Gobyerno para sa all saints day at all souls day.Sa Cebu South Bus Terminal, tiniyak ng managament na may sapat na mga bus na masasakyan ang mga pasahero na uuwi sa kanilang probinsya para sa undas.Dahil sa pagdagsa na mga pasahero magdadagdag ng mga police at security personnel ang management ng terminal sa loob at labas ng pasilidad.Tiniyak naman ni Pro-7 Chief Noli Talino, na alerto at handa na ang kapulisan sa Rehiyon-7 sa kanilang ipapatupad na seguridad sa all saints day at all souls day ngayong taon.Samantala, inihayag ng Cebu Provincial Police Office na magpapatuloy ang kapanya nito kontra iligal na droga, dahil kahit undas, gagawin nila ang oplan tokhang sa mga sementeryo upang hikayatin ang mga drug users na mag-surrender na at tumigil na sa masamang bisyo.

Facebook Comments