Nagsimula nang dagsain ang mga bus terminal sa Dagupan City ng mga uuwi ngayong Pasko.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Joel Ocoma, Division Inspector ng isang bus company sa lungsod, puno ang lahat ng bus na dumarating sa Dagupan na nagmumula sa Maynila dahil iniiwasan ng karamihan mahabang pila tuwing holiday rush.
Dagdag ng opisyal, ipinatutupad din ang labing limang minuto na interval ng departure ng mga bus sa terminal upang matiyak na ma-accommodate ang lahat ng pasahero at hindi magkumpulan ang mga ito na kung minsan ay nauuwi sa tulakan.
Inaasahan na sa December 26-27 ang pagdagsa ng mga pasahero na babalik sa Metro Manila matapos ang pasko at January 4-5 naman sa mga magbabalik trabaho pagkatapos ng Bagong Taon.
Hinihikayat ng mga bus companies ang online booking sa mga bibiyahe ngayong Holiday season upang maiwasan ang pila sa pagkuha ng ticket. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨