BUS TERMINALS SA DAGUPAN CITY, NAGHAHANDA NA SA DAGSA NG PASAHERO SA PAPARATING NA SEMANA SANTA

Patuloy ang isinasagawang paghahanda ng mga bus terminals sa lungsod ng Dagupan, dalawang linggo bago sumapit ang semana santa.

Ayon sa isang terminal master sa lungsod, nagpatupad na sila ng advance booking system upang hindi maging punuan ang mga terminal sakaling magsabay-sabay na ang uwian ng mga ito.

Tiniyak naman ng mga bus companies na sapat ang bilang ng mga bus na ba-byahe, at kung kulangin ay hihingi ng special permit sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Nakaantabay naman ang LTO sa pag-alalay sa mga biyahero gayundin sa pag-iinspeksyon ng mga bus upang maging ligtas ang biyahe ng publiko.

Isa ang Pangasinan sa dinarayo tuwing semana santa dahil sa mga tourist at pilgrimage sites. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments