BUS TERMINALS SA DAGUPAN CITY, TUMATANGGAP NA NG ADVANCE BOOKINGS PARA SA PASKO AT BAGONG TAON

Tumatanggap na ng advance bookings ang mga bus terminal sa Dagupan City para sa mga biyaheng inaasahang dadagsain ngayong Pasko at Bagong Taon, lalo na ng mga estudyanteng nagsisiuwi para sa Christmas holidays.

Sa panayam ng IFM Dagupan sa pamunuan ng isang bus terminal sa lungsod, sinabi na maaga nilang binuksan ang advance booking upang matugunan ang posibleng pagdami ng pasahero sa susunod na linggo.

Sa ngayon ay maluwag pa ang bilang ng mga bumibiyahe ngayon at kakaunti pa lamang ang nagpapabook online, ngunit inaasahang tataas ang bilang ng pasahero habang papalapit ang Pasko.

Dagdag pa dito, hinihintay na lamang ng mga bus terminal ang special permit na kanilang inire-request sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para mag-operate sa pasko at bagong taon.

Hinikayat ang publiko na mag-book nang maaga upang maiwasan ang mahabang pila at matagal na paghihintay sa terminals.

Nagpaalala naman ang mga awtoridad sa mga biyahero na maging maingat at mapagmatyag sa kanilang paglalakbay ngayong holiday season.

Facebook Comments