Busan Universal Rail Incorporated, dumipensa sa mga batikos sa kanila dahil sa sunod-sunod na aberya ng MRT-3

Manila, Philippines – Dumipensa ngayon ang Busan Universal Rail Incorporated kasunod ng mga batikos sa kanila dahil sa sunod-sunod na aberya ng mga tren ng MRT-3.

Giit ng pamunuan ng Busan, tinutupad nila ang kanilang kontrata sa Department of Transportation para mapatakbo nang maayos ang mga tren na may 18 taon na ang tanda.

Anila, responsibilidad ng gobyerno ang edad ng mga tren at kondisyon ng mga riles habang tungkulin naman nila ang maintenance nito.


Katunayan, araw-araw na raw nilang ginagawa ang light maintenance na ginagawa lang kada 15 araw bukod pa ang maintenance kada anim na buwan, kada 18 buwan at kada dalawang taon.
Una rito, sinabi ni Dotr USEC. Cesar Chavez na plano nang ipatigil ng ahensya ang kontrata ng pamahalaan sa busan dahil sa mga aberyang nararanasan sa MRT-3.

Facebook Comments