Business As Usual: Apat na magkakabigan na huminto sa pag-aaral, nagtayo ng negosyo para makatulong sa magulang

Dahil sa hirap ng buhay at para makatulong sa kanilang mga magulang naisip ng apat magkakaibigan sa Muntinlupa City na magtayo ng negosyo.

Ayon sa 20-anyos na si Charles de Guzman, isa sa may-ari ng Toughwave Apparel na sadyang naapektuhan ng pandemya ang kabuhayan ng kanilang pamilya kaya napilitan silang huminto sa pag-aaral noong 2020.

Kwento ni Charles sa Business As Usual segment ng Usapang Trabaho, pinagsama-sama nilang magkakaibigan ang naipon nilang pera para simulan sa halagang ₱15,000 ang Toughwave Apparel.


Aniya, kapag nakaipon silang apat nina Lamuel Jao, Ian Arevalo at Marco Raemus ay babalik muli sila sa pag-aaral dahil mahalaga pa rin sa kanila ang edukasyon.

Pero sa ngayon ay magpo-focus muna sila sa negosyo at kung papaano pa ito mas mapapalago.

Payo naman ni De Guzman sa katulad niyang kabataan na naghahangad na magnegosyo, tutukan muna ang proseso ng pagsisimula nito, hindi aniya masamang mangarap pero “trust the process” ika nyia.

Ang Toughwave Apparel ay pagawaan ng mga jersey shirt at jersey basketball uniform.

Facebook Comments