Business confidence dapat muling palakasin para sa muling pagbangon ng ekonomiya – VP Robredo

Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang pamahalaan na palakasin ang business confidence para maibsan ang epekto ng COVID-19 pandemic sa ekonomiya ng bansa.

Sa kaniyang mensahe sa publiko, inilahad ng Bise Presidente ang listahan ng kaniyang mga suhestyon para muling maibangon ang ekonomiya mula sa health crisis.

Mahalaga aniyang mayroong confidence para patuloy na gumugulong ang ekonomiya, ayon na rin ito mula sa mga expert, analyst at professor.


Pinadapa ng COVID-19 pandemic ang kumpiyansa ng mga negosyo na mamuhuan at muling buksan ang kanilang mga establisyimento.

Napansin din ni Robredo ang kawalan ng direksyon ng pamahalaan sa pagtugon sa pandemya.

Nanawagan si Robredo na bumuo ng komprehensibo, mabilis at malinaw na plano para matugunan ang pandemya.

Inirekomenda ni Robredo ang cash-for-work program, wage subsidies para sa Micro Small at Medium Enterprises (MSMEs) at 5,000 pesos monthly aid para sa 10 milyong mahihirap na pamilya sa loob ng apat na buwan.

Tiwala si Robredo na malalagpasan ng mga Pilipino ang hamon ng krisis.

Facebook Comments