Business establishments sa Makati, ininspeksyon ng DTI at MMDA

46

Nag-inspeksyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Trade and Industry (DTI) kanina sa ilang business establishment sa Makati City.

Ito ay para makita kung sumusunod ang mga ito sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa ilalim ng Alert Level 4.


Kabilang sa ininspeksyon nina MMDA Chairman Benhur Abalos, Trade Secretary Ramon Lopez at Makati City Mayor Abby Binay ang al fresco dine -in services sa Rockwell Center.

Ang nasabing mall ay pinahihintulutan nang magbukas ng 30% capacity.

Ininspeksyon din ng mga opisyal ang ilan pang business establishments sa lungsod kabilang na ang Anytime Fitness Gym sa South Park Plaza, Magallanes, Makati City.

Facebook Comments