Business establishments sa Maynila, pinainspeksyon ni Mayor Isko Moreno

Bilang bahagi ng kanilang pinaigting na kampanya kontra COVID-19, pinaiinspeksyon ni Manila Mayor Isko Moreno ang lahat ng establisyimento sa lungsod.

Partikular na inatasan ng alkalde si Bureau of Permits Chief Levi Facundo para tiyakin na lahat ng establisyimento sa Maynila ay sumusunod sa health protocols.

Maging sa mga palengke sa lungsod, ipinag-utos ni Mayor Isko na ipatupad ang “one entry, one exit” policy.


Layon nitong makontrol ang daloy ng mga tao sa mga palengke upang mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19.

Una rito, nagpatawag ng emergency meeting si Mayor Isko sa mga department head sa lungsod para sa COVID-19 response.

Ipinag-utos din ng alkalde ang pagpapatupad ng 30% working capacity lamang sa mga tanggapan sa Manila City Hall.

Facebook Comments