Business leaders mula sa US, bumisita sa Malacañang

Nakipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Business Executives for National Security o BENS sa Malacañang.

Ang BENS ay grupo ng mga business leader sa Estados Unidos na naniniwalang ang expertise at best practices ng pribadong sektor ay makatutulong sa US Department of Defense at National Security Agencies (NSA).

Kabilang sa mga miyembro nito ay mga nasa larangan ng healthcare, security and manufacturing, at iba pa.


Sa pagpupulong, tinalakay ng mga ito kung paanong makatutulong sa Pilipinas at humingi ng suporta para lalong mapalakas ang kanilang partnership sa bansa.

Nagpasalamat naman ang pangulo sa pagbabahagi ng expertise ng grupo sa harap na rin ng tumitinding geopolitical situation at sa epekto nito sa ekonomiya.

Importante aniya ang ganitong mga konsultasyon upang malaman ng bansa ang mainam na gawin sa pagbangon mula sa pandemya.

Ibinahagi rin ng presidente na kabilang sa mga ginagawa ng kanyang administrasyon ay isulong ang Public-Private Partnership (PPP) at government-to-government engagements para makahimok ng mas maramint investments.

Facebook Comments