Ipinare-review ni House Assistant Majority Leader Bernadette Herrera-Dy sa Philippine Competition Commission ang mga business practices ng Manila Water at Maynilad.
Ito ay para silipin ang detalye ng pagkakaroon ng expansion sa serbisyo ng Maynilad at Manila Water sa ilang lalawigan.
Sa pamamagitan umano ng joint venture sa provincial water districts ay sakop na ng Maynilad ang Cavite City, Bacoor, Imus, Kawit, Noveleta, Rosario at Cagayan De Oro City.
Samantala, ang Manila Water naman ay mayroong share sa Boracay, Batangas, Laguna, Nueva Ecija, Pangasinan, Bulacan at Leyte.
Paliwanag ng kongresista, hangga’t wala pang malinaw na national water regulatory commission ay maaaring atasan ang PCC na mag-counter check sa water companies at bumuo ng anti-monopoly framework.
Sa ngayon kasi ay hindi aniya bahagi ng mandato ng Local Water Utilities Administration ang pagsita sa monopolistic behavior ng concessionaires at tumatanggap lang ito ng kopya ng joint venture agreements.
Sa ibang balita, ibinasura ng Sandiganbayan ang motion for reconsideration ni pork barrel scam Queen Janet Lim Napoles na i-accquit din ito sa kasong kinakaharap kaugnay sa paggamit ng pdaf ng mga mambabatas para sa bogus na NGOs pork barrel SCAM matapos na ipawalang sala noong nakaraang taon si dating Senador Ramon Bong Revilla sa kaso.